My Pinoy - Social Network

Paul Pruel
  • Male
  • Riyadh
  • Saudi Arabia
Share 
Share on Twitter
Share on Facebook

Paul Pruel's Friends

Music

Loading…

Paul Pruel's Groups

RSS

Loading feed

 

“Maligayang Kaarawan sa Lahat ng Aking Friends - Ngayon at sa Susunod pang mga Araw.”

Gifts Received

Gift

Paul Pruel has not received any gifts yet

Give Paul Pruel a Gift

Latest Activity

Paul Pruel updated their profile
18 hours ago
WOW...So cute ang baby n'yo. Congrats sa inyong mag-asawa. marunong na siya humarap sa kamera. God bless. Ingats.
February 13
nakapatay ng tao...
January 23
ask ko lang kung bakit sya nakulong? anong naging kaso?
January 23

Profile Information

Im Interested In:
Friends, People with Great Minds, Sharing Common Interest, Kahit Sino Basta Tao
Relationship Status:
Married
Hometown:
Guiuan, Eastern Samar
School:
FAMSAT, UEP, Leyte Colleges, ICS, THE WRITERS BUREAU
Occupation:
Sales representative/Analyst
My Favorites:
Pagkaing Pinoy, Love Songs etc.
Affiliations:
mypinoy.com, http://pruelpo.wordpress.com, wayne.com
About Me:
Nakaririnig ng kakaibang himig
May ekstra akong ilong na nakalalanghap
Ng ibang baho, bango’t lansa ng buhay…

Matamis mangusap ang aking puso
Saya’y hatid sa damdaming may siphayo
Simbolo’y gamit ko, imahi’t kataga
Napasasaya ko ang matamlay na diwa…

Gamit ang papel at ang aking panulat
Hahagkan ko ang buwan at mga bituin
Na kumikinang sa kalawakan
At nagsasaboy ng liwanag sa kadiliman…

Ang bisyo ko’y paglaruan ang mga salita
Upang damdami’y ipaabot sa kapuwa!

paul pruel …isang pinoy

Balitang Gitnang Silangan/Napa WOW ang Mundo!

She is already a big star... Watch this video.
Manunulat ng Tula Nais Palaganapin ang Wikang Pambansa Ni Rodolfo C. Estimo Jr. Patnugot| Riyadh
Kilala si Paulino O. Pruel bilang magaling na manunulat bagama’t wala siyang aktuwal na pagsasanay upang magsulat ng tula. Marami sa kaniyang mga tula ang nailathala na sa Pinoy Xtra, bukod pa sa mga matatagpuan sa blog sa Internet. Ang pagsusulat ng tula ang pangunahin niyang pinagkakalibangan — may ginagawa man siya o wala

“Ang pagsusulat ng tula ay nakakatuwa para sa akin. Para itong isang gamot sa pangungulila sa aking pamilya na nasa Capipisa, Tanza, Cavite, kung saan na kami dumayo at tuluyang manirahan,” sabi niya sa isang panayam. Siya ay isinilang sa Guiuan, Eastern Samar, noong Abril 29, 1960 kina Antonio Pruel (na sumakabilang-buhay na) at Geronima Odien na ngayon ay nakatira sa isa sa kaniyang mga anak sa marikina, Rizal.

“At ‘yung ipinapadala ko sa Pinoy Xtra ay nagmumula sa kaibuturan ng aking puso,” sabi niya.

Ito marahil ang dahilan kung bakit ang kaniyang mga linya at saknong ay nakukuha ang atensiyon ng mambabasa upang himayin ang mga taludtod na bumubuo sa kaniyang mga tula. Pero ang hangarin niya sa pagsusulat ng tula ay hindi bilang isang libangan lamang at ipinapahayag ang saloobin. Malungkot nga ba siya?

Hindi niya sinasagot ito nang tuwiran. Sa halip ay binabanggit niya ang kahirapang kaniyang pinagdaa-nan bilang isang bata, nagbibinatilyo, padre de pamilya at isang OFW. Ano nga ba ang mga kahirapang ito?
Mahirap ang pamilya niya — masasabing isang kahig isang tuka. Dahil dito ay nagsikap siyang makapag-aral, at hirap pa rin ang kaniyang kaakibat. Self-supporting siya, ‘ika nga. Nag-aral siya ng isang taon sa Felipe Abrigo Memorial School of Arts and Trade sa Guiuan at nagpatuloy sa University of Eastern Philippines para sa Bachelor of Science in Cooperative Management (BSCM). Pagkatapos niyan ay nag-aral siya sa Leyte Colleges sa Tacloban, Leyte, bagama’t dalawang taon lamang ang natapos niya para sa kursong BS Accountancy. “Pagkatapos nito ay tinawid ko na ang karagatan papuntang Maynila,” sabi niya at nagtrabaho sa isang konstruksiyon bilang ekstra. Dito niya nakita ang “talagang mukha ng kahirapan.”
“Akala ang mga ilaw ng Maynila ang sagot sa kahirapan. Hindi pala,” sabi niya.

Sa kabila nito ay nagdesisyon na rin siyang magkaroon ng pamilya. Ang napangasawa niya ay si Imelda Bacolod na taga-Capipisa, Tanza. Pagkatapos niyan ay nagdesisyon siyang pumunta sa Saudi Arabia noong 1994 sa tulong ng tiyuhin ng maybahay niya na nagtatrabaho sa Kawasaki Helicopter Services (SA) Ltd. Hanggang ngayon ay doon pa rin siya nagtatrabaho at mayroon na silang tatlong supling ni Imelda.

Nais rin niyang palaganapin ang wikang Filipino sa pamamagitan ng tula. Para sa kaniya ito ay maliit — o simpleng adhikain — pero kaniyang naipapakita ang pagmamalasakit sa bayang pinagmulan. Kaniya ipinapaalala sa atin ang mga tinuran ni Dr. Jose P. Rizal na ang isang taong hindi marunong magmahal sa sariling wika ay masahol pa sa malansang isda.

Ang hangaring ito ay lalung namumukadkad kung ating iisipin na kaniya itong naisasagawa sa pamamagitan ng mga linyang lipos ng kalungkutan — na hindi niya sinasabi at nasa sa mambabasa na lamang ang pang-unawa kung ano ito at kung bakit ganito ito.

“Estilo ko lamang marahil na malungkot ang aking mga tula pero kung may ibang nakikita ang mambabasa ay nangangahulugang perceptive siya. Nabibigyan niya ng kahulugang dating wala sa isipan ko nang sinusulat ko ang mga ito,” sabi niya.

Paul Pruel's Photos

Loading…

Paul Pruel's Blog

Paul Pruel

DonDon on Deathrow



Continue

Posted on January 21, 2010 at 8:00pm — 4 Comments

Paul Pruel

Balimbing


Mahilig ba kayo sa Balimbing (carambola o star fruit)? Ito ba ay masarap kainin? Ang Balimbing daw ay tumutulong na pababain ang sugar levels in diabetics at ginagamit din ito as a… Continue

Posted on January 9, 2010 at 4:30pm —

Paul Pruel

‘Buti nalang Busy si Bro


(Special mention to Wikipedia for these photos)

Ako’y lumuhod at umusal ng ilang kataga
Ilang saglit pa ako’y tumayo na masaya
Dahil sa isipan ko ay nagampanan ko na
Ang pagiging Kristiyano at pagsamba kay Bathala

Di ko naisip na ipagdasal ang mga namayapang
Kaluluwang naghihintay na aking alal… Continue

Posted on October 28, 2009 at 5:30pm —

Paul Pruel

Haligi



Matindi ang bagyong Ondoy! Ayon kay Ginoong PenPen. Ang kanilang kasama na driver sa opisina ay tinangkang iligtas ang kanyang asawa at kambal niyang mag-iisang taong gulang na mga anak. Salamat at nailigtas niya ang kaniyang mga minamahal ngunit ang kanilang bahay ay tuluyang nawasak at kasama siyang inanod ng baha na ikanamatay niya! Jerry Boy ang tawag nila sa kanya— isa siyang Bayani! Isa siyang Dakila!”

Ito ang TUNAY NA KATOTOHANAN ng buhay! Ngayon— ang bawat Pilipino ay… Continue

Posted on October 4, 2009 at 12:00am —

Paul Pruel

Sa Pulo ng Talim, Gitna ng Lawa ng Laguna Maraming Maysakit at Nagugutom Dahil Kay Ondoy!

Meron bang mga taga-Laguna na members dito?

Nananawagan po ako sa gobyerno ng Pilipinas at yong Munisipyong sumasakop sa pulo ng Talim, isang liblib na lugar sa gitna ng Lawa ng Laguna – maraming maysakit doon at nagugutom dahil kay Ondoy.

Ayon sa SMS na natanggap ko kaninang madaling araw Saudi time (3:00 AM - Oct. 3, 2009) ito po ang nakasaad:

“Baka puwede ipanawagan sa kinauukulang gobyerno na padaluyan naman ng tulong higit ang Pagkain at Gamot dito sa pulo ng Talim, partikular sa mga bar… Continue

Posted on October 3, 2009 at 7:55pm — 2 Comments

Comment Wall (82 comments)

You need to be a member of My Pinoy - Social Network to add comments!

Join My Pinoy - Social Network

At 5:08pm on March 6, 2010, FreeLife said…
musta na paul
At 7:12pm on May 8, 2009, jenn ^.^ said…
musta mano?
At 12:18am on May 7, 2009, SARAH JANE PRUEL said…
,,oKy lAnG NmAn pOH CLa pApa AT sYaKa c mAmA,,,
,BnIcTa kO Na poH C LoLa sA MaRiKiNA,,
,,AnDtO PoH Kc aKo nGaUN Sa mAyNilA NaG BaBAkAsYoN,PrO uUWi dN KmE Sa Guiuan,Kc mLaPt nA pOh UnG PaSuKaN..
KaYo pOh kMzTa nA PoH KyO dYan???mAG-iINgAt pOh kYO PalaGi dYan,,,
nDi pA PoH Ba KyO UuWi???cGE PoH GoD BlESS...

LoVelOts
uR NieCe...
At 10:07pm on April 29, 2009, Joey said…
HAPPY BIRTHDAY PO KUYA PAUL..ANO HANDA NGAYON..ANG CANTON KO KUYA PAUL AT ISANG HIWANG PIZZA NASAAN NA..
GOD BLESS PO..
At 12:35pm on March 29, 2009, joypruel said…
tpoz na cat grad. nmen
sa 30th nman poh academic grad nmen...
so im ready...to graduate hehe
ung gift ko heheh
tc olweizzz....
we're missing you so much...
sayang di kau makakauwi sa grad ko noh...?!!
pero auz lang...
keep safe nlangh olweizzz
mwuuuuaaahhh
love lotzzz..
At 3:33am on March 27, 2009, TET said…
KUYA PAUL, for security reasons...after about 15mins idle, it will ask for you to log-in again. But as long as you are registered with chat, nobody can use your username. Try to use your name at least once every 3 months, nami-miss ka din namin eh.
At 8:33pm on March 25, 2009, joypruel said…
hello...!!how's life??heheh

mwuaaahh..

keep safe!!

^_ joy _^
At 4:33pm on March 11, 2009, Joey said…
Kumusta kana kuya paul. what keeps you silent now a days. busy po ba. anyway kinukumusta lang kita at siguro alam mo din na matagal din akong nawawala. hehehehehe just keep in your inbox kuya..paramdam ka naman ok. unti unti i'll becoming ok. god bless po sayo kuya.
At 1:55am on February 20, 2009, Paul Pruel said…
OK ka talaga...I already accepted your offer/invitation Joey.
At 1:02am on February 20, 2009, Joey said…
Hi kuya paul? mangulo lang ako dito sa comments ha kc po say ko lang sayo congratulations sa lahat ng ginagawa niyo po. add niyo ako kuya para may another congratulation ulit kayo kc kayo palang po ang una kong prend dito. sana susunod sila lahat hehehehehe>>>wish you all the best my best kuya paul.
 
 
Free Job Posting, Jobs in the Philippines

Latest Activity

gusto ko sana tapusin yung video pero sa pangalawang "actually" nya tinigil ko na.
6 hours ago
lol! si cd oh nagpaalam talaga?
6 hours ago
Isolevman added a blog post
single parent scholarship and grant german language course scholarship government grant housing moms single peoria illinois scholarships florida single mom scholarships grants college gran…
13 hours ago
Isolevman is now a member of My Pinoy - Social Network
14 hours ago
Hindi mo type ang lalaking sex addict? Kung ayaw mo akin na lang, pwede?
18 hours ago
Candy Diazes and Rhica Ocampo are now friends
18 hours ago
Paul Pruel updated their profile
18 hours ago
23 hours ago
ngek, pano mo poh nsbi ang swerte ko nmn??
yesterday
Theme's Maker updated their profile
yesterday
Saging po. Huwag magbigay ng pera sa mga pulubi o mga bata sa lansangan at kukunin lang sa kanila ng mga leader ng sindikato. Huwag din mag-bigay ng bigas, de lata, kape, biskwit at ibang mga bagay na pwedeng ibenta muli. Ang saging pag napitas n…
yesterday
Ann Cumaual added a discussion
Marami sa mga Pilipino ay mahirap. Ano nga bang tulong ang maaaring ibigay ng isang mahirap sa kapwa nya mahirap? Watch this: http://www.youtube.com/watch?v=vtQ0ZXlS_aY&feature=PlayList&p=6662104FB1E3AF19&index=0
yesterday

Badge

Loading…
 

© 2010   Finbarr McCarthy   Cloud Computing Google Apps

Badges  |  Report an Issue  |  Privacy  |   Tagji Social Bookmarking  |   Jobs  |  Terms of Service