My Pinoy - Social Network

odraleon

Buhay OFW, a note from a friend....espat!

Note: Share ko lang itong email na natanggap ko... hehehehe!

Sa may asawa, kapatid, anak, kaibigan, at kamag-anak na OFW.
At lalo na sa mga gustong mangibang-bansa. ..
Nais ko rin ibahagi sa inyo, ang natanggap kong email na ito.
Maaaring makatulong ito upang lalong maintindihan ng bawa't isa ang
tunay na ibig sabihin ng pagiging isang OFW. Tiyak na may mapupulot
tayong aral dito.

Hindi mayaman ang OFW - We have this notion na 'pag OFW o nasa abroad ay
mayaman na. Hindi totoo yun. A regular OFW might earn from P20K-P300K
per month depende sa lokasyon. Yung mga taga-Saudi or US siguro ay mas
malaki ang sweldo, but to say that they're rich is a fallacy (amen!).

Malaki ang pangangailangan kaya karamihan ay nag-a-abroad. Maraming
bunganga ang kailangang pakainin kaya umaalis ang mga pipol sa
Philippines . Madalas, 3/4 o kalahati ng sweldo ay napupunta sa tuition
ng anak at gastusin ng pamilya.

Mahirap maging OFW - Kailangan magtipid hangga't kaya. Oo, masarap ang
pagkain sa abroad pero madalas na paksiw o adobo at itlog lang tinitira
para makaipon. Pagdating ng kinsenas o katapusan, ang unang tinitingnan
eh ang conversion ng peso sa dollar o rial o euro. Mas okay na magtiis
sa konti kaysa gutumin ang pamilya. Kapag umuuwi, kailangan may baon
kahit konti kasi maraming kamag-anak ang sumusundo sa airport o
naghihintay sa probinsya. Alam mo naman 'pag Pinoy, yung tsismis na OFW
ka eh surely attracts a lot of kin.

Kapag hindi mo nabigyan ng pasalubong eh magtatampo na yun at sisiraan
ka na. Well, hindi naman lahat pero I'm sure sa mga OFW dito eh may mga
pangyayaring ganun. Magtatrabaho ka sa bansang iba ang tingin sa mga
Pinoy. Malamang marami ang naka-experience ng gulang o discrimination to
their various workplaces. Sige lang, tiis lang, iniiyak na lang kasi
kawawa naman pamilya 'pag umuwi.

Besides, wala ka naman talagang maasahang trabaho sa Philippines ngayon.
Mahal ang bigas, ang gatas, ang sardinas, ang upa sa apartment. Tiis
lang kahit maraming kupal sa trabaho, kahit may sakit at walang
nag-aalaga, kahit hindi masarap ang tsibog, kahit pangit ang working
conditions, kahit delikado, kahit mahirap. Kapag nakapadala ka na, okay
na, tawag lang, "hello! kumusta na kayo?".

Hindi bato ang OFW - Tao rin ang OFW, hindi money o cash machine.
Napapagod rin, nalulungkot (madalas), nagkakasakit, nag-iisip at
nagugutom. Kailangan din ang suporta, kundi man physically, emotionally
o spiritually man lang.

Tumatanda rin ang OFW - Sa mga nakausap at nakita ko, marami ang panot
at kalbo na. Most of them have signs and symptoms of hypertension,
coronary artery disease and arthritis.. Yet, they continue to work
thinking about the family they left behind. Marami ang nasa abroad,
20-30 years na, pero wala pa ring ipon. Kahit anong pakahirap, sablay pa
rin. Masakit pa kung olats rin ang sinusuportahang pamilya - ang anak
adik o nabuntis; ang asawa may kabit. Naalala ko tuloy ang sikat na
kanta dati, "NAPAKASAKIT KUYA EDDIE!"


Bayani ang OFW - Totoo yun! Ngayon ko lang na na-realize na bayani ang
OFW sa maraming bagay. Hindi bayani na tulad ni Nora Aunor o Flor
Contemplacion. Bayani in the truest sense of the word. Hindi katulad ni
Rizal o Bonifacio. Mas higit pa dun, mas maraming giyera at gulo ang
pinapasok ng OFW para lang mabuhay. Mas maraming pulitika ang kailangang
suungin para lang tumagal sa trabaho lalo na't kupal ang mga kasama sa
trabaho. Mas mahaba ang pasensya kaysa sa mga ordinaryong kongresista o
senador sa Philippines dahil sa takot na mawalan ng sweldo.

Matindi ang OFW - Matindi ang pinoy. Matindi pa sa daga, o cockroaches
which survived the cataclysmic evolution. Maraming sakripisyo pero
walang makitang tangible solutions or consequences.

Malas ng OFW, swerte ng pulitiko - Hindi umuupo ang OFW para magbigay ng
autograph o interbyuhin ng media (unless nakidnap!). Madalas nasa
sidelines lang ang OFW. Kapag umaalis, malungkot and on the verge of
tears. Kapag dumadating, swerte 'pag may sundo( madalas meron). Kapag
naubos na ang ipon, wala ng kamag-anak.

Sana sikat ang OFW para may boses sa Kamara. Ang swerte ng mga politiko
nakaupo sila at ginagastusan ng pera ng Filipino. Hindi nga sila
naiinitan o napapaso ng langis, o napagagalitan ng amo, o kumakain ng
paksiw para makatipid, o nakatira sa compound with conditions less than
favorable, o nakikisama sa ibang lahi para mabuhay. Ang swerte, sobrang
swerte nila.

Matatag ang OFW - Matatag ang OFW, mas matatag pa sa sundalo o kung ano
pang grupo na alam nyo. Magaling sa reverse psychology, negotiations at
counter-attacks. Tatagal ba ang OFW? Tatagal pa kasi hindi pa natin alam
kailan magbabago ang Philippines , kailan nga kaya? o may tsansa pa ba?

Masarap isipin na kasama mo ang pamilya mo araw-araw. Nakikita mo mga
anak mong lumalaki at naaalagaan ng maayos. Masarap kumain ng sitaw, ng
bagoong, lechon, inihaw na isda, taba ng talangka. Masarap manood ng
pelikulang Pinoy, luma man o bago. Iba pa rin ang pakiramdam kung kilala
mo ang kapitbahay mo. Iba pa rin sa Philippines , iba pa rin kapag Pinoy
ang kasama mo (except 'pag kupal at utak-talangka) , iba pa rin 'pag
nagkukwento ka at naiintindihan ng iba ang sinasabi mo. Iba pa rin ang
tunog ng "mahal kita!", "day, ginahigugma tika." "Mingaw na ko nimo ba,
kalagot!", " Inday, diin ka na subong haw? ganahan guid ko simo ba". Iba
pa rin talaga.


Sige lang, tiis lang, saan ba't darating din ang pag-asa.

Kung OFW ka at binabasa mo ito, mabuhay ka dahil ikaw ang tunay na BAYANI ng lahing PILIPINO!!!

Tags: ofw

Comment

You need to be a member of My Pinoy - Social Network to add comments!

Join My Pinoy - Social Network

odraleon Comment by odraleon on July 2, 2009 at 12:45am
kay Catt na lang kapag umuwi sila dyan ni Paddy sa September
Hindi magdadamot yun kasi in-lab... nyahahahaha!
JESELLE DAYRIT Comment by JESELLE DAYRIT on July 2, 2009 at 12:27am
uuy di daw bigtime... saudi, di ba mura ag ginto jan? di daw big time! hahahaha! typical na pilipino no? lol

naku, malulugi ka sakin..lol! may awa naman ako kaya sige exempted ka sa mga huhuntingin ko..mamaya dramahan mo ako, maawa pa ako sayo. lol
odraleon Comment by odraleon on July 2, 2009 at 12:20am
Jelle.... uuy, hindi ako bigtime hah...
Hehehehehe!

Baka hunting-in mo kasi ako kapag nag-bakasyon ako at magpa-libre ka... hahahahaha!

Kat kapatid.. sino ba hindi nagbayad syo? AKO BA?
=)
JESELLE DAYRIT Comment by JESELLE DAYRIT on June 30, 2009 at 9:40pm
bitter ang diyosa? sino bang di nagbayad? haha!

ang haba naman ng blog na yan...normal lang naman na pag may trabaho ang isang tao tingin ng iba, hindi nauubusan ng pera, mistulang atm machine,, lol...well, it's up to the person kung paano mageexplain diba. pwedi ka namang tumanggi...ang Pilipino kasi napakahirap para sa kanya ang magsabi ng, HINDE! Hindi Maari! haha! yan ang dapat baguhin, kahit na sabihin kong uuy big time si Noel, friends tayo hah, libre mo ako kasi big time ka na! how hard can it be to say no? how hard can it be to say, uuy, hindi ako big time hah...just tell them their wrong, rather than trying to prove their assumptions are right...

ngayon kung naubusan ka ng kaibigan at kamaganak dahil hindi ka big time sa paningin nila. let them be, abay yung mga ganun, hindi worth ng efforts mo, fair weather friends ang tawag dun...hindi mo sila kailangan! Chorva eklavuh!
Cattleya Comment by Cattleya on June 30, 2009 at 5:22pm
Hindi lahat ng OFW walang naiipon dahil may sinusuportahang pamilya.. kundi maraming naging tanga, may mga pinakisamahan at hindi na binayaran..nyahahahaha!!! OOppsie!!!

Yun lang din!
odraleon Comment by odraleon on June 30, 2009 at 4:56pm
Maraming inconsistencies itong blog or comment na 'to 'bout OFW

1. If you are earning at least P100k monthly, ang sa akin mabubuhay ka na ng sagana kasi medyo magaling naman talagang magtipid ang mga Pinoy. Eh what more kung P300K pa?

2. Sa Saudi medyo maliit na rin lang ang sweldo pero dahil sa wala kang paglilibangan (mall, sinehan, bars, etc.) eh talagang maiipon mo yung sweldo mo, at the same time libre accommodation at pagkain dun.

3. Bayani na mas higit pa kay Rizal o Bonifacio? Ewan ko lang... mas higit pa kay Ninoy siguro. Bwahahahaha!

4. "Sana sikat ang OFW para may boses sa Kamara". Yung mga dating OFW na nakisawsaw sa pulitika naging pulitiko na rin... katulad ng nasabi ko dati 'madumi ang pulitika sa PINAS'. Our government should be the one negotiating with the OFW... not the OFW to them! Kaya nga nating sila ibinoto para malaman nila yung mga hinaing ng mga OFW. Bakit ang OFW ang lalapit sa kanila?

5. Hindi lahat ng OFW gustong umuwi ng PINAS... hindi ako kasama dun!

Yun lang!
Free Job Posting, Jobs in the Philippines

Latest Activity

A.J. The Canadian Guy added 2 discussions
16 hours ago
Candy Diazes added a discussion
http://www.findingdulcinea.com/home.htmlOur mission is to bring users the best information on the Web for any topic, employing human insight and methodical review. http://www.sweetsearch.com/Sana nakatulong:)
19 hours ago
Naninibago ka ba sa amin ni JD? Temporary lang yan, bukas sabunutan at kalmutan na naman dito...LOL I miss Catt:(
19 hours ago
tama na ka-sweet-an! lol!
yesterday
sinong mabait? si wenz? o ako? ako naquote eh...feel na feel ko naman..ang dalang lang mangyari na may mabaitan sakin..LOL..let me enjoy the moment...kahit wrongquote lang....
on Monday
Nagtataka nga ako sa iyo ngayon at biglang ang bait mo; what caused this epiphany?
on Monday
baka may nakaraan kayo ng sender...aba sandali, if that's the case hindi ba dapat shrinker ang ipadala sayo? LOL....im ego friendly. LOL
on Monday
ganun... bait bait mo naman... [wink]
on Monday

Badge

Loading…

© 2010   Finbarr McCarthy   Cloud Computing Google Apps

Badges  |  Report an Issue  |  Terms of Service

Sign in to chat!